Church So Blessed • Main Site Home
Faith Moments

“Hindi Kasalanan ang Pinakamalaking Problema Mo — Ang Pagkulang sa Kaluwalhatian ng Diyos.”

Sermon date: June 02, 2026 • Presented by Church So Blessed Nueva Vizcaya

Watch on YouTube Open Video Link

Study Notes & Reflections

📖 “For all have sinned and fall short of the glory of God.” — Romans 3:23

Maraming tao ang iniisip na ang kasalanan ay tungkol lamang sa pagnanakaw, pagsisinungaling, o imoralidad. Ngunit ayon sa Kasulatan, ang mas malalim na problema ng sangkatauhan ay ang pagkaputol natin sa kaluwalhatian ng Diyos.

Bakit kailangan ng bawat tao si Jesus?—Hindi lamang para mapatawad sa kasalanan, kundi para maibalik sa orihinal na layunin at kaluwalhatiang inilaan ng Diyos para sa kanya.

Kapag naunawaan mo ang kahulugan ng “falling short of the glory of God,” mas mauunawaan mo rin ang tunay na layunin ng kaligtasan at ng Kaharian ng Diyos.

Video Transcript

[musika] Bakit kailangan ng lahat si Hesus? Kasi lahat nagkasala. Pag sinabi nagkasala, ang naiisip natin yung nagnakaw, yung nagsinungaling, mga parumal-dumal na kasalanan immoral. Ayun yung pumapasok sa isip natin. Dahil ang nasa isip natin ay sin. Nawawala yung dulo and fall short of the glory of God. This is not about sin. The subject here is the glory of God. Falling short of the glory of God. Hindi niyo maiintindihan 'yan kung hindi nyo naiintindihan kung anong ibig sabihin ng glory.